^

Probinsiya

Mayon nag-alburoto, ‘alert level 3’ nagbabadya

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mayon nag-alburoto, ‘alert level 3’ nagbabadya
Sa inilabas na abiso ng Phivolcs dakong alas-5:50 ng umaga kahapon, malaki ang posibilidad na itaas muli sa “magmatic unrest” o alert level 3 ang bulkang Mayon kapag idineklara sa eruptive status dahil sa pagtaas ng sulfur dioxide emission na umabot sa 8,165 na panga­lawa sa pinakamataas simula nang ibaba ito sa alert level 2 noong Agosto 5.Maliban sa biglaang pagtaas ng ibinugang asupre, nagtala rin kahapon ang Mayon ng 10-volcanic earthquakes at nagkaroon ng swelling o pressurization sa hilaga at silangang bahagi ng katawan ng bundok.
AFP / Charism Sayat

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa posibilidad na muling maibalik sa “eruptive status” ang Mt. Mayon matapos na umabot sa 8,165 tonelada bawat araw ang ibinugang asupre o sulfur dioxide emission ng bulkan.

Sa inilabas na abiso ng Phivolcs dakong alas-5:50 ng umaga kahapon, malaki ang posibilidad na itaas muli sa “magmatic unrest” o alert level 3 ang bulkang Mayon kapag idineklara sa eruptive status dahil sa pagtaas ng sulfur dioxide emission na umabot sa 8,165 na panga­lawa sa pinakamataas simula nang ibaba ito sa alert level 2 noong Agosto 5.Maliban sa biglaang pagtaas ng ibinugang asupre, nagtala rin kahapon ang Mayon ng 10-volcanic earthquakes at nagkaroon ng swelling o pressurization sa hilaga at silangang bahagi ng katawan ng bundok.

Bunsod nito, mahigpit na nagbabala ang Phivolcs sa publiko sa posibleng biglaang pagputok ng bulkan o phreatic eruption, at magdulot ng volcanic hazards sa mga lugar na deklaradong permanent danger zones gaya ng pyroclastic density currents o pag-usok, rockfall, at iba pa.

Maging ang mga pilo­to ng eroplano ay binala­an na huwag dumaan malapit sa crater dahil sa peligro ng projectile fragments at pagbuga ng abo ng bulkan.

PHILVOCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with