2 batang nawawala, natagpuang patay
BAGUIO CITY, Philippines — Natapos ang tatlong araw na paghahanap sa dalawang bata na magkapatid matapos silang matagpuan na kapwa patay sa isang bulubunduking lugar sa bayan ng Tineg, Abra.
Ang mga biktima, na kinilala ng kanilang mga kaanak na sina Mark at Octavios, ay iniulat na nawawala matapos hindi makauwi.
Humingi ng tulong ang kanilang mga kaanak at mga residente noong Setyembre 3, dahilan upang paigtingin ng mga lokal na awtoridad at mga boluntaryo ang paghahanap sa magkapatid.
Natagpuan ng mga search team ang mga bangkay ng magkapatid sa isang liblib na bulubunduking lugar sa Magsalang, Barangay Caganayan, Tineg. Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad kung paano at ano ang sanhi ng pagkamatay ng dalawa.
Nagpasalamat naman ang pamilya sa mga residente ng barangay, mga boluntaryo, at mga awtoridad na nakipagsapalaran sa mahirap na bulubunduking lugar upang hanapin ang dalawa.
- Latest
















