Himala: Doktor, niligtas ni St. Charbel sa aksidente! (Last Part)
KARUGTONG ng salaysay ni Dr. Boutros Youssef Semaan, isang anesthesiologist sa Pau, France.
Isang malakas na bagyo ang tumama sa siyudad ng Pau, France noong Hulyo 7, 2023. Galing klinika at pauwi na si Dr. Boutross dakong-6:30 ng gabi nang abutin ng bagyo habang nagmamaneho ng kotse.
Sa lakas ng bagyo, maraming poste at puno ang nabuwal. Halos zero visibility kaya hirap na hirap ang doktor makapagmaneho.
Nang biglang dalawang malaking puno ang natumba at bumagsak mismo sa kanyang kotse. Naipit siya. Hindi makagalaw at nagkaroon ng fructures sa leeg, braso at dibdib. Gusto niyang sumigaw pero walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Nawawalan na siya ng malay.
Sa loob ng kanyang kotse ay may larawan ni St. Charbel. Nagdasal siya at humingi ng tulong dito. Biglang lumitaw si St. Charbel sa kanyang tabi. “Huwag kang matakot. Paparating na ang ambulansiya para iligtas ka!” sabi ni St. Charbel.
Hanggang marinig ni Dr. Boutross ang wangwang ng ambulansiya. Mabilis siyang inalis sa pagkakaipit sa loob ng yuping kotse at isinugod siya sa François Mitterrand Hospital.
Nakaligtas sa kamatayan si Dr. Boutross. Dumaan siya sa tatlong buwan na physical theraphy. Hanggang sa tuluyan siyang gumaling.
Una niyang ginawa ay ang pagbisita sa shrine ni Saint Charbel sa Annaya, Lebanon para magpasalamat sa pagliligtas sa kanya. Himala ang pagkakaligtas niya sa aksidenteng iyon.
- Latest


















