^

Probinsiya

May-ari ng iskul tusta sa sunog sa klasrum!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
May-ari ng iskul tusta sa sunog sa klasrum!
Base sa ulat, alas-8:32 ng gabi nang sumiklab ang sunog na nagsimula sa isang classroom ng eskwelahan. Naitawag ang sunog pasado alas-9 na ng gabi. 
File

CAVITE, Philippines — Natusta ang isang 70-anyos na nagmamay-ari ng isang pribadong eskwelahan nang masunog ang mismong paaralan na nagsimula sa isang classroom, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sta. Cruz 1, Dasmariñas City. 

Umabot nang mahigit sa isang oras bago tulu­yang naapula ang apoy at natagpuang sunog na sunog ang katawan ng biktima sa loob ng admi­nistration office kung saan ito natutulog na kinilalang si Gng. Violeta, 70-anyos, school owner ng Brentwood Academy, residente din dito.

Base sa ulat, alas-8:32 ng gabi nang sumiklab ang sunog na nagsimula sa isang classroom ng eskwelahan. Naitawag ang sunog pasado alas-9 na ng gabi. 

Nang maapula ang apoy, nadiskubre sa clearing operations ang tustadong katawan ng biktima sa loob ng admin office kung saan siya natutulog.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang pinagmulan ng apoy.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with