^

Probinsiya

Mag-ama nilamon ng ilog sa Zambales

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama nilamon ng ilog sa Zambales
Ayon sa imbestigas­yon, pauwi na ang mag-ama sa kanilang tahanan sakay ng cart o “kangga” na hinihila ng kanilang alagang kalabaw nang tangayin ito ng malakas na agos ng tubig baha at mapadpad sa ilog.
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang isang 35-anyos na ama at anak nitong lalaki makaraang lamunin ng ilog at tangayin ng malakas na agos sa Botolan, Zambales, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Botolan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nangyari ang insidente sa nasabing bayan dakong ala-1 ng hapon noong Martes.

Ayon sa imbestigas­yon, pauwi na ang mag-ama sa kanilang tahanan sakay ng cart o “kangga” na hinihila ng kanilang alagang kalabaw nang tangayin ito ng malakas na agos ng tubig baha at mapadpad sa ilog.

Sa isinagawang search and rescue opera­tion ng mga awtoridad, narekober ang bangkay ng 35-anyos na tatay si Simeon Candule, residente ng Brgy. Palis ng bayang ito.

Isang residente sa lugar ang nakasaksi sa pangyayari, pero dahil sa malakas na agos ay nabigong tulungan ang mag-ama.

Nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad at narekober ang bangkay ni Candule habang patuloy pang pinaghahanap ang nawawalang anak ng nalunod na ama.

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with