^

Probinsiya

29-anyos misis natagpuang patay, 11-anyos pamangkin missing

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Naaagnas na nang matagpuan ang isang 29-anyos na misis na hinihinalang biktima ng pagpatay sa liblib sa bahagi ng Purok 2, Barangay La Torre South ng bayang ito habang patuloy na pinaghahanap ang 11-anyos na pamangkin matapos silang mai-report na nawawala noong Agosto 27.

Sa ulat ng Bayombong Police, ang ginang ay hu­ling nagpaalam sa kanyang mister para mangalakal kasama ang kanyang pamangkin  na lalaki.

Ayon sa mister, masama noon ang kanyang pakiramdam kung kaya’t pinayagan niya ang kanyang misis na mangalakal kasama ang pamangkin subalit hindi niya akalain na iyon na ang huli nilang pagkikita.

Pasado alas-2:00 ng hapon nitong Martes nang matagpuan ang naaagnas na bangkay ng ginang malapit sa isang construction site sa nabanggit purok.

Ayon kay PMajor Anthony Ayungo, hepe ng Bayombong Police Station, unang natagpuan ang sinakyan na kolong-kolong ng mga biktima sa Barangay Masoc, Bayombong, may isang kilometro ang layo mula sa bangkay ng ginang.

“May natutumbok na kami sa imbestigasyon ng kasong ito, pero hindi pa namin puwedeng ilabas para hindi maapektuhan ang imbestigasyon,” pahayag ni Major Ayungo.

Patuloy pang pinaghahanap ang nawawalang bata.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with