^

Probinsiya

Marine corporal nabaril ng kabaro, sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang miyem­bro ng 6th Marine Battalion ang sugatan nang hindi sinadyang mabaril ng kasama sa kanilang barracks sa kanilang battalion headquarters sa Barangay Rosary Heights 9 sa Cotabato City nitong umaga ng Martes.

Sa ulat ng Cotabato City Police Office, inaayos ni Corporal Noe Mama, Jr. kanyang mga gamit at nag-load ng kanyang MFR 56 rifle na kanyang aksidenteng nakalabit kaya pumutok habang nakatutok sa dingding ng kanilang bunker at tumagos sa manipis na dingding nito at nasapol ng bala sa tagiliran ng 38-anyos na kasamang si Sgt. Gerald Ejemplar.

Si Corporal Mama ay taga Barangay Poblacion sa Sta. Josefa sa Agusan del Sur habang si Sgt. Ejemplar ay tubong Barangay Nilidan sa Kalamansig, Sultan Kudarat. Silang dalawa ay mga kasapi ng 6th Marine Battalion ng 1st Marine Brigade ng Philippine Navy na may units sa Cotabato City at Maguindanao del Norte.

Si Ejemplar, nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang tagiliran, na kasalukuyang ginagamot na sa Cotabato Regional Medical Center na hindi kalayuan sa kanilang battalion command post kung saan naganap ang insidente.

MARINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with