VP Sara bribery issue, lalaktawan na ng prosec
MANILA, Philippines — Ikinukonsidera ng prosecution team na huwag nang ituloy ang presentasyon ng mga ebidensiya kaugnay ng Article 3 o bribery allegations laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis ang pagdinig sa impeachment case.
Ito ang inihayag ni House prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua, Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Sa halip ay talakayin na lamang sa Senate impeachment court ang kasong unexplained wealth o paglobo ng kayamanan ni VP Duterte kapag natapos na ang presentasyon ng mga ebidensya sa umano’y irregularidad sa paggastang P612.5 milyong confidential funds.
Sinabi ni Chua na ang dalawang artikulo na kanilang isinampa ay naniniwala silang matibay na pero hindi naman aniya puwedeng i-drop ang hindi maipaliwanag na kayamanan dahilan marami sa mga Pilipino ang inaabangan ito.
Kabilang sa mga naunang natalakay na sa impeachment ay ang assassination threat’’ laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at dating Speaker Martin Romualdez at patuloy naman ang pagbusisi sa hindi tamang paggasta ng confidential funds.
Binigyang diin ng solon na kung lalaktawan ang bribery ay posibleng matapos ang paglilitis sa Disyembre ng taong ito.
- Latest
















