^

Probinsiya

Kano, misis na Pinay pinasok, pinatay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang American national at misis nitong Pinay makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki na pumasok sa kanilang tahanan sa Brgy. Bajumpandan, Duma­guete City, Neg­ros Oriental nitong Miyerkules.

Sa ulat, sianbi ni Negros Oriental Police Spokesman P/Captain Stephen Polinar, ang mag-asawa ay natagpuang patay na kapwa may tama ng bala sa kanilang sala sa tahanan ng mga ito sa nabanggit na lugar.

Gayunman, pansamantalang hindi tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa 72-anyos na Amerikano at 71-anyos nitong misis.

Ayon sa pahayag ng dalawang katulong ng mag-asawa, dakong alas-4 ng mada­ling araw umano nang pasukin ng dalawang armadong lalaki ang tahanan ng mag-asawa.

Ilang saglit pa ay sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar at matapos ito ay mabilis na nagsitakas ang mga armadong salarin.

Wala umanong ­nagawa ang nasabing helper dahilan mga armado ang mga suspect kaya hindi nito nagawang saklolohan ang kaniyang mga amo. Sinabi ng opis­yal, na kasalukuyan na nilang nirerebyu ang kuha ng Closed Circuit Tele­vision (CCTV) upang imbestigahan ang insidente at matukoy ang mga suspek.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng krimen, maaresto ang mga suspect at mabigyang ng hustisya ang sinapit ng mga biktima.

Ang mag-asawa ay pinaslang, dalawang buwan matapos naman ang pagpatay sa 73-anyos na American marine biologist na si Dr. Kent Carpenter.

AMERICAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with