^

Police Metro

Motorsiklo salpok sa van: 6 patay

Joy Cantos - Pang-masa
Motorsiklo salpok sa van: 6 patay
Batay sa ulat, kasalukuyang bumabagtas sa highway ng naturang lugar ang isang van na galing Zamboanga Sibugay nang makabanggaan nito ang motorsiklo pagsapit sa Brgy. Poblacion ng nabanggit na bayan.
File

MANILA, Philippines — Patay ang anim katao habang marami ang nasugatan sa naganap na bangganan ng motorsiklo at van sa Brgy. Paglaum, Dumalinao, Zamboanga del Sur nitong Martes ng tanghali.

Sa inisyal na ulat ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office (PPO), bandang alas-12:00 ng tanghali nang mangyari ang sakuna sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, kasalukuyang bumabagtas sa highway ng naturang lugar ang isang van na galing Zamboanga Sibugay nang makabanggaan nito ang motorsiklo pagsapit sa Brgy. Poblacion ng nabanggit na bayan.

Sa lakas nang pagsalpok ay namatay noon din ang anim sa mga biktima na tinabunan ng mga karton at plastic sheets sa tabi ng kalye.

Hindi pa maibigay ng pulisya ang mga pangalan ng mga nasawi habang patuloy ang beripikasyon sa pagkakakilanlan ng mga ito at bukod dito ay kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.

Ang mga nasugatan ay isinugod sa pagamutan para malapatan ng pangunahing lunas. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kaso at inaalam kung ano ang nagbunsod ng nasabing sakuna.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with