Alex, mas pumapaldo sa labas ng court!

Kung ang computation ng Forbes ang pagbabasehan, sobrang yaman na ni WTA Number 18 Alex Eala.
Tulad ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao— napakalaki na rin ng naibibigay na kita ng tennis kay Alex bukod pa sa siyempre karangalang ibinibigay niya sa ating bansa.
Ayon sa story ng Forbes, bukod sa $1.7 million (P106,088,501.70 based on a mid-market exchange rate of about P62.41 per USD) na premyong napanalunan na ni Alex ngayong 2026, tinatantya ng Forbes na ang kanyang kinikita sa labas ng tennis court ay humigit na sa $5 million (P311,951,000) sa nakalipas na isang taon – bago pa raw ang mga buwis at bayad sa mga agent at manager – na ang malaking bahagi raw nito ay nagmumula sa mga kumpanya sa Pilipinas.
Kasalukuyan siyang nasa number 18 sa buong mundo—na kung isasaalang-alang daw maaaring tumaas pa nang husto si Alex sa mga darating na taon.
At naniniwala si Max Eisenbud, ang head ng client representation sa WME Sports at sa subsidiary nitong IMG Tennis na pagdating ng 2027, siya na ang magiging second female athlete na may pinakamataas na kita sa mundo, kasunod ni Coco [Gauff].
But anyway, aminado si Alex na hindi naging madali ang adjustment sa kanyang bagong kasikatan.
At sinabi rin niyang totoong nagagamit niya raw ang kinikita niya para ilibre ang kanyang mga kaibigan sa masasarap na dinner, at kanyang mga coach at trainer sa mga business-class flight sa pagitan ng mga tournament; pero sa kanyang isip, pinapaniwala niya ang sarili na ang suporta ng fans sa bawat competition “doesn’t have much to be with me.”
“When I first started blowing up at this scale, I didn’t really want to accept I was becoming famous because I didn’t want it to get into my head; I didn’t want it to impact my tennis or my routine. But I’ve had to accept that it was part of my job, it’s part of my life, and it’s a part of my experience,” sabi pa ni Alex sa Forbes.
- Latest


























