^

PSN Showbiz

Rhen, pepremyuhan ng trip to Europe ang sarili!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Rhen, pepremyuhan ng trip to Europe ang sarili!
Rhen Escaño

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang mukbang kissing scene nina Joseph Marco at Rhen Escaño during their wedding scene sa finale ng hit Viva One series, ang My Husband is a Mafia Boss (MHIAMB) na pinamahalaan ng ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Fifth Solomon.

At the final screening at thanksgiving viewing party and talkback ng MHIAMB, katakut-takot na kantiyaw ang inabot nina Rhen at Joseph dahil sa nasabing  “mukbang kissing scenes.”

Pero masayang-masaya naman sila sa naging outcome ng buong serye na nag-number 1 mula sa unang episode hanggang sa kanilang finale episode. Ilang beses ding nag-trending ang ilang mga eksena nila.

Hindi rin nagpahuli ng pagpapaabot ng kanyang pasasalamat ang director na si Fifth na umaming may pinagdaraanan nang ialok sa kanya ang nasabing proyekto.

Although mina-manifest na ng buong cast, director at ng kanilang fans ang part 2 ng My Husband is a Mafia Boss na sinulat ng namayapang si Diana Marie Maranan (na mas kilala bilang si Yanalovesyouu) sa adaptation ng sikat na Wattpad novel, hindi naman maiwasan ng bumubuo ng cast ang maging emotional dahil nakabuo raw sila ng ‘pa­milya’ at pagkakaibigan.

Samantala, magkasama sina Rhen at Joseph na magtutungo ng Hong Kong kasama ang ilang lead stars ng ibang serye ng Viva One para magbigay kasiyahan at i-promote ang kanilang respective series sa ating mga kababayan sa Hong Kong.

Bukod sa Hong Kong, nakatakda namang mag-Europe si Rhen bilang reward niya sa kanyang sarili dahil sa tagumpay ng MHIAMB.

Princess Diana, ‘di nakakalimutan

Nung nakaraang Aug. 31 (Lunes) ay 29th death anniversary ng well-loved na si Diana, Princess of Wales, na patuloy na ginugunita hindi lamang ng kanyang dalawang anak at pamilya kundi ng mga tao sa buong mundo.

Thirty-six years old lamang noon si Princess Diana nang ito’y sumakabilang-buhay sa isang car accident kasama ang nobyong bilyonar­yong si Dodi Fayed at ang driver ng huli sa pag-iwas sa paparazzi sa Paris, France.

Kahit hiwalay na noon si Princess Diana kay then Prince Charles ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang magandang relasyon sa dalawang anak na sina Prince William at Prince Harry.

Pagbalik ng mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle ng U.K. kasama ang dalawa nilang anak na sina Prince Archie at Princess Lilibet ay una nilang dinalaw ang puntod ni Princess Diana ng Althorp Park kung saan ito inilibing.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with