^

Probinsiya

Groom at bride nag-‘I do’sa gitna ng baha sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Groom at bride nag-‘I do’sa gitna ng baha sa Bulacan
Hindi nagpapigil ang magkasintahan na ituloy ang kanilang pag-iisang dibdib kahit lubog sa tubig baha ang loob ng St. John the Baptist Parish na kanilang nilusong sa San Juan, Hagonoy, Bulacan kahapon.
Courtesy: Ang Tinig-St. John the Baptist/Mikko Alfonso

HAGONOY, Bulacan, Philippines — Sa kabila ng matin­ding pagbaha sa lalawigang ito, hindi naging hadlang ang mataas na tubig upang ituloy ng isang magkasintahan ang kanilang pinakahihintay na araw ng kasal.

Sa St. John the Baptist Parish sa Hagonoy, lumusong ang bride at groom kasama ang kanilang mga ninang at ninong, mga pamilya, mga abay at iba pang dumalo sa malalim na bahagi ng tubig baha sa loob ng simbahan na pinalubog ng  malawakang pagbaha nitong mga nakaraang linggo. 

Bagama’t malalim pa rin ang tubig baha, itinuloy pa rin ng pari ang kanilang seremonya, sa halip na ipagpaliban ang matagal nang pinaghandaang pag-iisang dibdib ng mag-­nobyo. Isang kasal na hindi lamang tungkol sa “for better or for worse,” kundi literal na pagharap sa unos at baha—kasama ang pangakong manatiling magkasama sa gitna ng pagsubok.

Sa isang ulat, umabot sa hanggang 1.82 metro o halos anim na talampakan ang baha sa ­ilang bahagi ng Hagonoy at mga kalapit na bayan. 

Sa mga nakalipas na araw, ipinakita rin sa mga ulat ang patuloy na pagdalo ng ilang deboto sa San Juan Bautista Parish, kung saan gumamit pa ng mga monoblock chair upang makadalo lang sa misa kahit lubog sa tubig baha ang loob ng simbahan. 

WEDDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with