^

Probinsiya

18-anyos itinali sa puno, tinarakan sa leeg ng lover!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
18-anyos itinali sa puno, tinarakan sa leeg ng lover!
Ang biktimang kinilalang si Aaron Bacolinao, residente ng nasabing Barangay ay nagawa pang maisugod sa Western Visayas Medical Center ng sumaklolong mga awtoridad pero binawian ng buhay dakong alas-12:36 ng madaling araw noong Agosto 31.
STAR / File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 18-anyos na estudyante nang matagpuang tadtad ng saksak habang nakatali sa isang punongkahoy at may nakatarak pang patalim sa leeg nito sa Zone 10, Brgy. Calaparan, Arevalo District, Iloilo City, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktimang kinilalang si Aaron Bacolinao, residente ng nasabing Barangay ay nagawa pang maisugod sa Western Visayas Medical Center ng sumaklolong mga awtoridad pero binawian ng buhay dakong alas-12:36 ng madaling araw noong Agosto 31.

Sa ulat ng Iloilo City Police, dakong alas-10:25 ng gabi noong Agosto 30 nang ireport sa mga opisyal ng Barangay at ilang residente sa lugar ang isang panaghoy o pag-iyak ng lalaking humihingi ng tulong na nagmumula sa kakahuyan sa madilim na bahagi at may ilang distansiya ang layo sa mga kabahayan sa lugar.

Nang magresponde ang mga tanod, natagpuan ang duguang biktima na nakatali sa puno at tadtad ng saksak sa katawan habang may nakatarak na kutsilyo sa may ulo o leeg nito.

Habang naghihingalo ang biktima, tinanong ng mga tanod kung sino ang sumaksak sa kanya at nagawa pa umano nitong tukuyin na ang kanyang karelasyon na si alyas “Agi,” ang tumali sa kanya sa puno.

Lumalabas sa imbestigasyon na pangunahing suspek si alyas Agi, 18-anyos, ng Brgy. Calumpang, Molo District at habang ang kasabwat sa krimen ay si alyas “Chris,” 19, ang may kagagawan sa krimen.

Si alyas Chris umano ang nagbigay ng patalim kay Agi para patayin ang biktima pero hindi nakasama sa lugar kung saan isinagawa ng huli ang krimen.

Sa pahayag ni P/Col. Wilbert Parilla, director ng Iloilo City Police Office, lumilitaw na planado ang pagpatay sa biktima. Nangako umano si Agi na babayaran niya ang biktimang si Bacolinao sa kanilang deal pero hindi ito natupad. Dahil dito, nagalit ang biktima at binantaan nito si Agi na kanyang papatayin kapag nakaalis siya mula sa pagkakatali sa puno kaya inunahan na siyang tadtarin ng saksak ng suspek.

Sinabi ni Parilla na nakagawian na ng biktima at suspek na magkita at itatali sa puno ang isa para sa karagdagang trill ng magkarelasyon. Walang malay ang biktima, dito na pala isasagawa ang planong pagpatay sa kanya.

Ang nasabing “murder weapon” ay narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team ng Iloilo City Police.

Sa hot pursuit operation, nasakote ang dalawa matapos matukoy sa palitan ng kanilang mensahe sa Messenger ng biktima bago ang krimen.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with