Higit 3K barangay sa Luzon, may banta ng landslide at baha
MANILA, Philippines — Dahil umano sa walang tigil na buhos ng ulang dala mula August 30 hanggang Setyember 2 ay posibleng magkaroon ng pagguho ng lupa (landslides) at pagbaha dahil sa pinagsamang epekto ng Bagyong Pilandok at habagat sa 3,700 barangay sa Luzon.
Ito ang naging babala ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon sa MGB, ang mga naturang landslide at flood-prone barangays ay ang mga lugar sa Luzon sa Ilocos Region-2,235 barangay; Central Luzon–718; Cordillera Administrative Region–617; Cagayan Valley-107; MIMAROPA–87; at CALABARZON-22 barangays.
“Based on the latest DOST-PAGASA 72-hour rainfall forecast, residents in listed areas and those nearby or downstream are urged to remain vigilant and take necessary precautions,”ayon sa MGB.
Ang geohazard susceptibility maps ay naipalalabas base sa local geology, landforms at terrain gayundin ng aktibidad ng mga tao na may pagtaas ng disaster risks.
Ang rainfall forecast ay alinsunod sa hazard maps at barangay boundaries base sa rainfall threshold at ang mga barangay na apektado ng pagbaha at landslides dahil sa ulan ay kinilala at isinama sa DENR-MGB barangay lists.
Sa Luzon ay maulan dahil sa bagyong Pilandok. samantalang sa Visayas ay maulan din sanhi ng Habagat.
- Latest















