Queer dating show aarangakada ang 4th season

Mas pinainit at pina-sexy ang ika-apat na season ng kauna-unahang reality queer dating series na Sparks Camp, hatid ang mas nagbabagang hamon, drama, at romansa sa isla na tiyak magpapakilig din sa mga manonood sa bago nitong tahanan sa iWant.
Inilahad na rin kamakailan ang bagong set ng mga camper na handang magpainit sa patok na queer dating show, tulad nina “Mr. Explore-Actor” Tommy, “The Drag Queen-Sation” Ian, “The Japinoy Charmer” Taku, “The Shy Achiever” Jury, at “The Babyboy Next Door” Michael.
Kasali rin ang “The Walkin’ Conyo Heartthrob” Joaquin, “The Gio-Target Chinito” Gio, “The Genz-Incere Lover” EJ, “The Daddy-Sirable Cutie” Beej, at “The Fil-Am-Azing Wonderboy” Howie.
Makakasama pa rin nila ang “Mother Sparker” na si Mela Habijan na gagabay sa kanilang pakikipagsapalaran na mahanap ang kanilang true spark sa isla.
Sa direksyon muli ni Ted Boborol, ang bagong season ng Sparks Camp ay kolaborasyon ng iWant at PlayTime Entertainment matapos ang mainit na pagtanggap sa vertical drama serye nitong Will You Fake Marry Me? nina JM Ibarra at Fyang Smith.
- Latest


























