^

Probinsiya

2 babaeng retiradong titser pinagtataga ng kapitbahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang babaeng retiradong guro na kapwa senior citizen ang nasa malubhang kondisyon matapos pasukin ang kanilang bahay ng isang 29-anyos na lalaking armado ng itak, madaling araw ng Linggo.

Sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, nilalapatan ng lunas sa Morong Provincial Hospital ang mga biktimang sina alyas “Rogelia”, 66; at alyas “Virginia”, 79- anyos, byuda. Kapwa sila retiradong guro na naninirahan sa Jasmine Village, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal.

Arestado naman ang suspek na si alyas “Yamashuki”, 29, construction worker, kapitbahay.

Naganap ang insidente sa kahimbingan ng tulog ng mga biktima ala-1:30 ng madaling araw ng Agosto 30, sa sala ng bahay ni Virginia.

Si Rogelia ay boluntaryong sinasamahan sa bahay si Virginia upang tulungan sa mga gawain at alalayan dahil sa edad at mahinang katawan. Magkasamang natutulog ang dalawa sa sala, habang ang kasambahay na 70-anyos na si alyas “Erlinda” ay sa isang silid natutulog, nang puwersahan silang pasukin ng suspek at ilang ulit silang pinagtataga.

Nakatakbo palabas ng bahay si Rogelia at nagsisigaw ng tulong, dahilan upang maalarma ang suspek kaya tumakas at iniwan ang bolo.

Isinugod ang mga biktima sa Army Station Hospital, 2nd Infantry Division ng Camp General Capinpin, sa Tanay at inilipat sa Morong Hospital matapos bigyan ng paunang lunas.

Sa imbestigasyon, nagtanim ng galit ang suspek matapos maaktuhan siya ni Rogelia sa pagnanakaw ng tanim na gulay ni Virginia.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with