^

Metro

Leptospirosis cases sa bansa, tumaas dahil sa pag-ulan at pagbaha

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Leptospirosis cases sa bansa, tumaas dahil sa pag-ulan at pagbaha
Residents wade through floodwaters along Zapote Junction in Las Piñas on August 29, 2026 morning, as the flooded road remains closed to vehicles.
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa bunsod ng malawakang pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat na pinalakas ng mga bagyo nitong mga nakalipas na araw.

Batay sa datos ng DOH, umabot sa 5,400 ang naitalang kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Agosto 27. Sa naturang bilang, nasa 500 pasyente ang kasaluku­yang naka-admit sa iba’t ibang DOH hospitals sa Metro Manila.

Dahil sa pagdami ng mga pasyente, nagtaas na ng alerto ang emergency rooms ng National Kidney and Transplant Ins­titute (NKTI) sa Que­zon City, San Lazaro Hospital sa Maynila, at Rizal Medical Center sa Pasig City matapos umabot sa full capacity ang kanilang pasilidad. Sa San Lazaro Hospital, nagdagdag na rin ng tent facility na may 10 kama para sa mga pasyenteng may mild at moderate na kondisyon.

Samantala, iniutos ng DOH ang aktibasyon ng leptospirosis fast lanes sa 33 ospital nito upang mapabilis ang pagtanggap at paggamot sa mga pasyente. Nagdagdag din ng mga tauhan mula sa iba’t ibang DOH hospitals upang tugunan ang pagdagsa ng mga na­ngangailangan ng agarang lunas.

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with