Eala papaldo na naman sa US Open

MANILA, Philippines — Instant millionaire ulit si Pinay ace netter Alex Eala sa pagsalang nito sa prestihiyosong US Open na ginaganap sa New York.
Hindi pa man sumasalang sa singles, makasisiguro na si Eala ng tumataginting na $140,000 o halos P9 miyon na premyo.
Kung aabot pa si Eala sa second round, tataas ang kikitain nito sa $190,000 o P11.5 milyon.
Kaya naman pukpukan na sa ensayo si Eala para sa kanyang unang pagsalang sa singles.
Nakatakdang makaharap ni Eala si Mary Stoiana ng Amerika sa Martes (Miyerkules sa Maynila) sa opening round.
Lalaruin ito sa Louis Armstrong Stadium na may 14,000-seating capacity dahil inaasahang dudumugin ito ng Pinoy fans.
Hawak ni Eala ang No. 17 seed sa torneo.
Talagang sikat na si Eala dahil ilang publications sa US ang kaliwa’t kanang naglalabas ng mga feature stories ng Pinay netter.
Kabilang na rito ang mga sinulat nina Jon Wertheim ng Sports Illustrated at Aishwarya Kumar ng ESPN.
- Latest





















