Luis, tinantanan na ang pag-follow sa mga naka-bikini!

Ahh bukod sa naghiwalay pala ng one month sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na inamin nila sa ‘couple questions you may be afraid to ask each other’ sa YouTube channel ni Lucky, ang isa pang pinag-usapan nila ay ang dami palang pina-follow ni Luis na naka-two piece. “Dati talaga, nagugulat ako, ‘bakit ang daming pina-follow nito na naka-bikini?’ Tapos, siguro, siya rin, na-realize niya na hindi na rin siya appropriate ngayon kasi nga mag-asawa na kami,” rebelasyon ni Jessy.
Tho mga kaibigan naman daw ito ni Luis kaya ang bargain nila, imu-mute na lang ang notif or biniro ni Luis na siya na lang ang magbi-bikini.
“Sinasabi niya sa ‘kin, ‘imu-mute ko na lang ‘yung mga ka-close ko na mahilig mag-post ng sexy.’ So parang I guess, maganda na rin ‘yun for us kasi parang nandu’n na rin ‘yung boundaries, kumbaga. Nirerespeto kung ano ‘yung request ko na it’s not appropriate anymore na may nakikita kang ganu’n sa feed mo,” lahad ni Jessy.
Isa pang pinag-usapan nila ay maingat na si Jessy sa pagbibilad ng kanyang alindog sa social media umpisa nang siya’y maging mommy.
Kaya naman kung mapapansin daw natin, bihira na siyang mag-post na naka-bikini. “I don’t know if people have noticed, dati kasi, ‘di ba, ako rin naman, nagpo-post ng mga bikini, ng swimsuit, ganyan-ganyan, or ng mga sexy posts,” pag-amin ni Jessy na aniya ay pagdating sa anak nilang si Peanut ay malambot siya kaya more on si Luis ang nagdidisiplina sa kanilang only daughter.
Pagpapatuloy na paliwanag ni Mrs. Manzano: “But ever since I became a wife and a mother, I kind of toned it down a bit,” pero idiniin niyang hindi siya against sa iba pang babae na nagpo-post ng sexy photos nila lalo na kung may ipapakita naman.
Gusto lang daw niyang maging mabuting halimbawa sa anak nila. “I mean, I still appreciate others na ginagawa ‘yun, I have nothing against it but personally, as a mom, I want to be a good role model for my daughter kasi nanay na rin ako, eh.
“Parang I want na mayroon din akong boundaries for myself. And I think, it’s just appropriate na you have this thin line between being proud of your body and at the same time, being respectful also not only for yourself but also for others. So, kaya ako nag-tone down,” paliwanag pa ni Jessy na may pasilip sa kanilang bagong bahay nung minsan.
- Latest






















