Bagong manager ni Bea, walang bilib sa kontrata!
Ang interim manager ni Bea Alonzo na si Chris Cahilig na ang humarap sa ilang entertainment media tungkol sa kontrobersyal Kapuso actress.
Maingat siya sa kanyang mga pahayag kaugnay sa isyung kinasangkutan ni Bea, pati ang personal na isyu pagkatapos ng kasal nila ni Vincent Co.
Sa isang event ay natanong siya ng ilang press kung may binabalak daw ba na honeymoon ang bagong kasal. “So far, wala namang sinasabi sa akin, at wala rin naman akong balak magtanong,” pakli ni Chris.
“I just don’t want to be involved in anything personal. Sa kanila na iyon. Kumbaga, space na niya iyon. I don’t wanna get into that space,” dagdag niyang pahayag.
Sandaling nakatsikahan ko pa si Chris sa nakaraang Cinemalaya, pero wala pa siyang binanggit that time.
Pero nabanggit nga niyang “And I was told nga na the former manager [Shirley Kuan, or SK] resigned a few days before that. And they needed somebody to take care of the projects. And a lot of inquiries actually for endorsements. So I have to step in just in case. Again, it’s the couple. So I wouldn’t say ‘no’ definitely to be of help to them.”
Nilinaw niyang tipong agent daw muna siya. At maaaring isa sa mga araw na ito ay kukuha na rin si Bea ng sariling manager para mag-handle sa kanyang career.
“You know kasi, we’re in this process and all na siyempre, ‘di ba, parang... number one, I just want Bea to have the freedom and the future to you know, either choose somebody else or stay with me,” tugon ni Chris.
“Like I don’t wanna be that person who would you know, try to get that position for good. Kasi, ako kasi, actually sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga kontrata. Hindi ako naniniwala sa mga ganyan. Kumbaga, I’m just there to protect you if there’s a time of conflict,” sabi pa ni Chris.
Kaya wala raw silang contract signing bilang manager at talent.
Sumang-ayon nga siya sa sinulat ni Noel Ferrer na ang pinaka-binding na kontrata ay pagtitiwala at pagmamahal.
Wala pang sinasabi si Chris kung magiging bahagi na nga ba si Bea sa CinePanalo Film Festival.
Ang gusto raw sana niya ay maging part si Bea sa isa pang project ng Puregold na Teatro Panalo na kung saan mga stage play naman ito na i-sponsor nila.
Samantala, aabangan na ang drama series ni Bea sa GMA 7 na Whispers From Heaven.
So far, ang huling series niyang Widows’ War lang ang masasabing okay ang performance sa mga nagawa niya sa GMA 7.
Tingnan natin kung maganda rin ang pagtanggap sa kanya dito sa Whispers From Heaven.
Ito na nga ba ang huling project niya sa Kapuso network?
Wilbert, nag-audition sa Korean produ
Marami pa rin ang nanonood sa Spider-Man at meron pa ring naiwang sinehan sa The Odyssey.
Kaya apektado pa rin ang local films na naglabasan kamakailan lang.
Sa Sept. 2 ay magso-showing ang Saving Cherry ng Regal Entertainment, at maingay ngayon si Barbie Forteza dahil isinasabay na rin niya ang pagpo-promote ng series nila ni Sharon Cuneta na Honor Thy Mother para sa Amazon Prime.
At makakasabay nito ang isang action movie ng isang Korean film production na nakipag-collab sa Viva gamit ang stars nila. Kasali rito si Wilbert Ross na kontrabida pa ang role.
Hindi pa siya ganun kasikat nung ginawa niya ito at nagpa-audition pa siya. Ngayon, ay siya na ang binebenta dahil sa solid ang suporta ng fans.
Napa-action pa si Wilbert dito na tamang-tama naman, nakapag-training siya. Pero hindi na raw nasundan pagkatapos nitong The Guardian.
Excited lang sila sa pelikulang ito dahil bukod dito sa Pilipinas ay nag-showing na sa Korea, sa Japan at may iba pa raw international release.
“Ngayon lang po namin nabalitaan na worldwide pala siya. Surprising and happy po siyempre. Parang pangalawa ko pa lang po ata ‘to. ‘Yung huli ‘yung Nokturno, so, big thing for me,” saad ni Wilbert.
Kasali rin si Eric Ejercito na may pagka-comedy pa ang role niya rito. “Parang saying ‘bucket list’ is an understatement. It’s such a dream to have... as an actor, to have your face seen by the whole world, is such an accomplishment. We’re just grateful for Parallax and Viva for the opportunity,” sabi ni Eric.
Nagpapasalamat ang producers sa collaboration nila sa Viva, at umaasa sila ng mga kasunod na projects na puwedeng i-collab sa iba pang producers dito sa atin. “We definitely have more projects coming in with Korean stars, maybe next year,” saad ni Wesley Villarica ng Parallax Studio Inc.
- Latest


























