Barbie, naging malalim ang love kay Sharon

Mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules ang pelikulang Saving Cherry na pinagbibidahan ni Barbie Forteza.
Para sa aktres ay talagang espesyal ang naturang proyektong ito mula sa Regal Entertainment. “Sobrang espesyal po niya sa akin dahil ito ‘yung isang proyekto na tumawid ‘yung trabaho sa totoong buhay. Lahat nang nakatrabaho ko dito, si Mika (Salamanca), Sassa (Gurl), AC (Bonifacio), Mikee (Quintos), Khalil (Ramos), even our director, Direk Ivan (Andrew Payawal) naging kaibigan ko sa totoong buhay. Talagang naramdaman ko ‘yung suporta nila even after the whole shoot. Kahit outside the movie lumalabas pa rin kami, ‘yung usapan namin personal na. So tumatawid na rin talaga siya sa totoong buhay. And finally, masasabi kong nagkaroon ako ng totoong barkada sa showbiz,” pagbabahagi ni Barbie sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda.
“Sobrang na-appreciate ko silang lahat. Kasi siyempre kung anong pagod ko, pagod din nila. Pero lahat kami, we really put in this conscious effort of actually taking the time to bond. Kasi ‘yon din naman ang pundasyon ng pelikula eh. This is a movie about friendship. Lalo na ‘yung relasyon namin dito ni Khalil, kasi mag-asawa kami dito. So, para mabuo mo ‘yon, hindi mo naman mapepeke ‘yon lalo na big screen ‘yan. Critical ako sa mga ganyan, so kailangan totoo. Kailangan ‘yung mga babayaran ng mga tao sa sinehan, totoo. At maramdaman nila ‘yung gusto naming iparating na mensahe ng pelikula,” dagdag pa ng Kapuso actress.
Bukod sa naturang pelikula ay kabilang din sa Barbie sa seryeng Honor Thy Mother. Nakatrabaho ng dalaga sa naturang Amazon Prime Video series si Sharon Cuneta na mapapanood na simula ngayong Sept. 11. Ayon kay Barbie ay ang Megastar ang kanyang naging inspirasyon noon upang maging isang artista. “It comes full circle kasi kaya po ako naging aktres, dahil po sa kanya. Siya po ang naging dahilan kung bakit ginusto kong maging artista. When I was eight years old, my mom was watching Madrasta, kasi Sharonian po ang nanay ko.
Tapos nakita ko ‘yung eksena niya na, ‘I was never your partner, I’m just your wife.’ Sobrang na-hook ako sa kanya, ‘yung performance niya, it felt so real. Kahit na bata ako at hindi ako nagiging madrasta, wala pa akong napagdaanang heartbreaks sa buhay, naramdaman ko siya do’n. ‘Yung level of truth and depth ni Ms. Sharon Cuneta. So sabi ko, ‘Mama, gusto ko ‘yung ginagawa niya.’ As young as eight years old, gano’n ka-firm ‘yung decision ko because of Ms. Sharon. So, it comes really full circle now na I’m with her,” pagdedetalye ng dalaga.
Halos hindi makapaniwala ang Kapuso actress na nakatrabaho ang nag-iisang Megastar.
Hinding-hindi raw matatawaran ang mga panahong nakaeksena ng dalaga si Sharon. “It’s like always taking a master class everyday, my God. And to have that experience, sobrang surreal po no’n. Kapag nakakaeksena ko po kasi si Ms. Sharon sobrang galing. Sobrang daling pagkunan ng emosyon like she’s that generous, she’s that brilliant.
“Talagang nabibigay niya ‘yung tamang emosyon na dapat kong mailabas. Pinayagan na niya po akong tawagin siyang Mama. Tapos sobra po siyang mag-alaga sa akin, sa aming lahat sa set. So ‘yung pagmamahal ko po sa kanya, nagiging totoo. Kaya very defensive rin ‘yung pagtanaw ko ng resentment towards her. Nagiging malalim kasi ‘yung love ko nga sa kanya, totoo na,” kwento ng aktres.
(Reports from JCC)
- Latest
























