^

Police Metro

Criminology student tiklo sa buy-bust

Tony Sandoval - Pang-masa
Criminology student tiklo sa buy-bust
Stock image of methamphetamine.
Image by JR from Pixabay

MANILA, Philippines — Isang estudyante ng kursong Criminology ang bumagsak sa kulungan nang malambat ng mga otoridad sa isang operasyon laban sa iligal na droga sa Purok 3, Barangay Miswa, Infanta, Quezon noong Agosto 27, 2026 ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Alyas “Jon”, may sapat na taong gulang at residente ng Barangay Cawayan, Real, Quezon.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon na pinangunahan ng Drug Enforcement Team ng Infanta Municipal Police Station (MPS) sa ilalim ng koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa opisyal na ulat ng kapulisan, nahuli sa akto ang suspek matapos nitong makipagtransaksyon sa isang undercover agent na umaktong poseur-buyer.

Nang magkaabutan ng ilegal na kontrabando kapalit ng marked money, agad na pinalibutan ng mga operatiba ang suspek at agad na naaresto.

Nasamsam mula sa posisyon ng estudyante ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang nang humigit-kumulang 2.32 gramo ang droga na may Standard Drug Price na P15,776.00.

CRIMINOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with