^

PSN Palaro

Eala-Stoiana selyado na sa Setyembre 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala-Stoiana selyado na sa Setyembre 2
Naghanda para sa kanyang service si Pinay ace Alex Eala laban kay Naomi Osaka ng Japan sa kanilang ensayo sa Hardcourt para sa US Open.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  May pagkakataon pa para makapagpahinga at makapag-ensayo ng husto si Alex Eala.

Ito ay matapos itakda ang laban nito kontra kay Mary Stoiana ng Amerika sa Setyembre 2 sa US Open women’s singles sa USTA Billie Jean King Center sa Flushing Meadows, New York.

Sa inilabas na sche­dule ng US Open organi­zers, lalaruin ang first-round match nina Eala at Stoiana sa Martes alas-8:40 ng gabi sa New York (alas-8:40 ng umaga sa Miyerkules sa Maynila).

Gaganapin ito sa Louis Armstrong Stadium na may seating capacity na mahigit 14,000 na inaasahang dudumugin ng Pinoy fans na nais mapanood ng personal si Eala.

Pukpukan na ang pag­hahanda ni Eala para sa pagbabalik nito sa US Open.

Nag-ensayo pa ito kasama si Grand Slam champion Naomi Osaka ng Japan.

Gaya ng inaasahan, practice game pa lamang ni Eala ay dinudumog na ito ng fans.

Kaliwa’t kanan ang mga nais magpa-autograph at magpakuha ng picture sa Pinay tennis ace.

Nakasama rin ni Eala sa ensayo si Toni Nadal — ang uncle ni Grand Slam winner Rafael Nadal at bahagi ng Rafa Nadal Academy.

Nagbigay ng payo si Toni sa magiging estratehiya ni Eala sa mga laro nito.

Partikular na tinutukan ni  Toni ang serve ni Eala na unti-unti nang nag-iimprove sa bawat laban nito.

Nag-viral pa ang ‘fookel­ya serve’ na ipinangalan ng ilang netizens sa serve ni Eala.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with