Biyahe ng Team Philippines sa Asiad sagot ng PSC
MANILA, Philippines — Sinagot ng Philippine Sports Commission (PSC) ang tiket ng national delegation patungo sa Japan para sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya.
Ayon kay PSC chairman Patrick “Pato” Gregorio, ito ay bilang suporta ng PSC at ng Office of the President sa mga national athletes na makikipag-agawan ng medalya sa nasabing quadrennial event.
“We signed the financial assistance to the Philippine Olympic Committee to fund the trip of all our athletes participating in the Asian Games, coaches and technical delegates,” ani Gregorio.
Isasabak ng bansa ang 443 national athletes sa 38 sports events sa Aichi-Nagoya Asiad na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.
“Iyan po ang isang tulong ng Philippine Sports Commission at ng Office of the President para sumuporta sa mga atletang lalahok sa Asian Games. The objective, higitan ang apat na medalyang pinanalo natin sa Jakarta noong 2018 and China in 2022,” sabi ni Gregorio.
“This is the opportunity for us to win more than four gold medals,” dagdag pa ng PSC chief.
Kumolekta ang Team Philippines ng kabuuang apat na gold, dalawang silver at 12 bronze me—dals para tumapos sa No. 17 spot sa 2022 Asiad sa Hangzhou, China.
Ang apat na ginto ay galing kina pole vaulter EJ Obiena, Meggie Ochoa at Annie Ramirez sa women’s jiu-jitsu at sa Gilas Pilipinas men’s basketball team.
- Latest























