^

Probinsiya

Abogado ng IBP pinadalhan ng 2 bala

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Abogado ng IBP pinadalhan ng 2 bala
Mahigpit na kinondena ng National Union People’s Lawyers (NUPL) at Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Albay Chapter ang pagbabanta sa kanilang miyembro na si Atty. Bartolome “Bart” Rayco at hiniling sa mga awtoridad na maimbestigahan upang matukoy ang nasa likod nito.
Philstar.com/File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nagdulot ng mala­king takot at pangamba sa isang abogado at kanyang pamilya ang pananakot ng hindi pa kilalang grupo o indibidwal matapos mag-iwan ang hindi nakilalang suspek ng dalawang piraso ng bala at sulat nang pagbabanta sa eatery na pag-aari ng biktima sa Marquez St., Old Albay District, Legazpi City ng lalawigang ito kamalawa ng umaga.

Mahigpit na kinondena ng National Union People’s Lawyers (NUPL) at Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Albay Chapter ang pagbabanta sa kanilang miyembro na si Atty. Bartolome “Bart” Rayco at hiniling sa mga awtoridad na maimbestigahan upang matukoy ang nasa likod nito. Hinihingi rin nila ang mahigpit na seguridad para sa abo­gado at kanyang pamilya.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga nang matagpuan ng ilang staff ng Jollikod Eatery sa entrance ng istablisimiyento ang dalawang bala ng M16 rifle na natatalian ng itim na laso, habang nakakabit sa bato na binalot sa plastik at papel na may nakasulat na “Atty. Bart Rayco MALAPIT KA NA!”

Sa paunang imbestigasyon ng Legazpi City Police, may ilang saksi na nakakita sa dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo na huminto sa harap ng kainan dakong alas-4 ng madaling araw. 

Inihayag ng Police Regional Office 5 sa pangunguna ni regional director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio na siniser­yoso nila at mahigpit na iniimbestigahan ang pagbabanta kay Atty. Rayco. Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang kanilang mga tauhan sa abogado at pamilya para sa kaukulang seguridad ng mga ito.

BULLET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with