^

Police Metro

25-anyos babae na-trap sa sunog sa Quezon City, patay!

Angie dela Cruz - Pang-masa
25-anyos babae na-trap sa sunog sa Quezon City, patay!
Ayon sa QC- Bureau of Fire Protection, nakita ang katawan ng natustang bangkay ng biktima makaraang ma-trap sa loob ng isa sa mga nasunog na bahay sa lugar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nalitson nang buhay ang isang 25-an­yos na babae sa naganap na sunog sa isang residential area sa 13th Street, Barangay Damayang Lagi, Quezon City nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa QC- Bureau of Fire Protection, nakita ang katawan ng natustang bangkay ng biktima makaraang ma-trap sa loob ng isa sa mga nasunog na bahay sa lugar.

Sinabi ng lalaking kasama ng biktima, may pagkakataon pang makalabas ng bahay ang babae pero bumalik pa ito sa loob ng nasusunog na bahay.

Umabot naman sa ikalawang alarma ang sunog na naapula ganap na alas-8:44 ng umaga kamakalawa.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala ng insidente.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with