^

Police Metro

Aquino Bridge sa Tarlac, winasak ng habagat!

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa
Aquino Bridge sa Tarlac, winasak ng habagat!
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Tarlac ay kabilang sa isinailalim ng state weather bureau sa red rainfall warning o matitin­ding mga pag-ulan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dahil sa malalakas na pag-ulang dulot ng southwest monsoon o habagat, nawasak o bumigay ang gitnang bahagi ng Aquino Bridge sa Tarlac City bago maghatinggabi nitong Biyernes.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang Tarlac ay kabilang sa isinailalim ng state weather bureau sa red rainfall warning o matitin­ding mga pag-ulan.

Ang Aquino Bridge ay nag-uugnay sa Tarlac City patungo sa munisipalidad ng Sta. Ignacia, Mayantoc, Camiling at San Clemente habang may access din ito patungo sa Mangatarem, Pangasinan.

Bunga nito, nagdulot ng matinding kalbaryo sa mga motorista at mga biyahero na dumaraan sa nasabing tulay.

Inabisuhan ng pamahalaang lungsod ang mga motorista na gamitin ang Agana Bridge bilang alternatibong ruta at mag-ingat sa pagmamaneho lalo na at malalakas ang mga pag-ulan. Pero sinabi ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na hindi muna nila padaraanan ang Agana Bridge upang maiwasang mapinsala ito.

TARLAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with