‘Puzzle’ sa confi funds ni VP Sara malapit nang mabuo – prosekusyon
MANILA, Philippines — Malapit na umanong mabuo ang “puzzle” o palaisipan sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte, sa presentasyon ng karagdagang mga testigo.
Ito ang inihayag ni House impeachment adviser at Spokesman Robert Ace Barbers bagaman at sinabing sapat na mga nailatag ng prosekusyon para ipakita ang larawan ng isang opisyal na karapat-dapat na matanggal sa puwesto.
“Sa amin, sapat na so far at meron pang idaragdag sa prosecution, ay tuluy-tuloy lamang na buuin ’yung litrato o ’yung puzzle. Kasi bawat piyesa, bawat part ng puzzle na ’yan ay magbibigay ng totoong litrato o picture “, ani Barbers kung ano aniya ang tunay na usapin sa isyung kinasangkutan ni VP Sara. Kabilang sa mga naiprisintang mga testigo ng prosekusyon ay sina OVP officials Gina Acosta at Lemuel Ortonio; pawang idineklarang hostile witness ng impeachment court.
Nakatakda ring tumestigo ang ilang sundalo kaugnay pa rin ng isyu sa confidential funds sa susunod na paglilitis.
- Latest
















