^

PSN Showbiz

KimErald, bet ni Jack magbida sa kanyang libro!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
KimErald, bet ni Jack magbida sa kanyang libro!
Jack Logan

Pinasok na rin ng filmmaker at digital content creator na si Jack Logan ang book writing. Kung sinasabi ng marami na wala nang nagbabasa ng hard copy ng libro, iba ang paniniwala ni Jack na naunang nakilala bilang disc jockey.

Ten years in the making ang nasabing nobela na may pamagat na The Pabebe Chronicles: The Flower and the Warrior, na isang planadong fantasy trilogy.

At pinalalawak ng libro ang reach ni Jack.

Bago naging nobelista, nagtrabaho si Jack bilang direktor at writer sa mga pelikula, dokumentaryo, at mga online program.

Siya ang nagdirek at naging co-writer ng film trilogy na kilala bilang The 12 Days Saga, at kalaunan ay naging malawak ang naaabot ng Jack Logan Realtalks, isang social media commentary at storytelling program.

At ang short docu/episode ni Logan na Makabagong San Juan ay nakatanggap ng nomination para sa Best Single DigitalProgramme/Short Film sa 28th Asian Television Awards.

Ang The Flower and the Warrior ay binubuo ng 300 pages na nakasulat sa wikang Tagalog. Pero ayon kay Jack, magaan at bago ang mga salitang ginamit niya rito, hindi mag-iisip ang mga babasa.

Hindi malalim at madali raw ma-gets.

Ang kwento ay iikot sa Erodas, a realm still carrying the consequences of the War of Golds and the novel follows characters whose private histories become entangled with a larger political and magical conflict.

Bianca is a Lambak weaver with an erased royal identity; si Jack naman ay isang amnesiac warrior na may marahas na nakaraan; at si Pabie, ang kaakit-akit na Kondesa ng Amazon.

Hinahalo ng nobela ang prophecy, royal deception and renewed tension among the kingdoms and factions of Erodas.

Trilogy aniya ang libro at ang The Flower and the Warrior ang Book II sa internal chronology saga. Ang trilogy ay binubuo ng The War of Golds, The Flower and the Warrior at The Huling Baruk.

Anyway, nabanggit nga niyang inumpisahan niya ang The Pabebe Chronicles noong 2015, nung kainitan ng AlDub nina Alden Richards and Maine Mendoza kaya na-polish niya ang nobelang comedy fantasy.

At kung sakaling magkaroon ito ang film adaptation, ang gusto niyang magbida ay sina Kim Chiu and Gerald Anderson.

Ang libro ay published ng Central Book Supply, Inc. at hardbound at paperback editions.

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with