Kaila at Daniel, mas tumibay na ang relasyon

Hindi lang ipinasilip, ibinahagi pa ni Kaila Estrada ang pamamasyal nila sa Japan ni Daniel Padilla kasama ang mga kaibigan.
Late upload nga ito sa Instagram ni Kaila at naka-share rin sa account ni Daniel kung saan ibinahagi niya ang mga kuha nila habang kumakain sa isang Japanese restaurant, nakasakay sa tren, at nanood sa Summer Sonic Festival.
Isang video rin ang makikitang kumakanta si Daniel habang may nagpe-perform sa stage.
Well, may nag-upload na nanood sila ng Summer Sonic Festival kung saan nag-perform ang SB19 at BINI, pero mas legit ang post ni Kaila na bagama’t hindi pa sila umaamin ni Daniel sa kanilang relasyon, pero sa mga ibinabahagi nilang larawan sa kani-kanilang mga social media page ay kumpirmasyon na ng kanilang relasyon.
Kabaliktaran naman ito kay Kathryn Bernardo na never nag-post na kasama ang diumano’y karelasyon niyang pulitiko na si Mayor Mark Alcala.
Pulos lang ‘spotted’ videos nila ang lumalabas sa social media ng ex ni Daniel at pulitiko.
- Latest


























