Paulo, pinagdasal ang pamamahinga para sa laro

Ang daming nagulat sa umpisa ng post ni Paulo Avelino kahapon.
Lalo na ‘yung ibang hindi familiar sa GTA 6.
Nagbigay ng wrong impression sa mga hindi nagbasa ng buong post ng aktor na tila seryosong announcement tungkol sa pagtigil sa trabaho.
“To my fans, my kababayan, and everyone I’ve worked with:
“After a lot of prayer and some hard conversations at home, I’m stepping away from everything effective October 31. The movies, the teleserye, all my endorsements. Everything,” mensahe niya sa kanyang social media platforms.
Hanggang umabot na sa totoong dahilan nito: “GTA 6 is out November 19. PoE 2 hits 1.0 on December 11, and they finally added swords. I watched the Extended Look last night, and I have not been okay since,” sabi ng actor na isa ring gamer.
May pa-advice pa raw siya sa kanyang legal team.
“To my legal counsel, please tell everyone lining up to sue me that I’m available March 2027. I’ll have 100% GTA completion and a build nobody can touch by then. Sue me at my peak,” dagdag pa niya.
At sa huli sinabi niyang: “Wag niyo ako i tag sa clips. Babalik din ako. Basta. God bless po.”
So ayun nga ‘yun. Hindi totoong mamamahinga si Paulo sa kanyang mga trabaho sa pelikula, teleserye at mga endorsement.
Kailangan lang niya ng kaunting oras para iligtas muna ang Los Santos (kathang-isip na lungsod metropolitan sa San Andreas na itinampok sa seryeng Grand Theft Auto ng Rockstar Games).
Pagkatapos kasi ng halos dalawang taon, mula noong huling paglabas ng Grand Theft Auto 6, ipinakita ng developer na Rockstar ang 26-minutes preview ng paparating na blockbuster video game.
Ang “extended look” nito ay unang ipinalabas sa Netflix, anim na oras bago ito i-live sa YouTube, at ito ang unang pagkakataon na nakita ng mga gamer ang detalyadong footage nito.
Na tila kabilang si Paulo sa mga hindi handa para rito.
Dahil diyan, trending ang jowa na raw ni Kim Chiu sa X kahapon.
- Latest

























