^

PSN Showbiz

Kelvin, panay ang pasasalamat kay Dingdong

Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kelvin, panay ang pasasalamat kay Dingdong
Kelvin Miranda
STAR/ File

Mapapanood na si Kelvin Miranda sa The Master Cutter na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. Gagampanan ni Kelvin ang karakter ni Uno Alcaraz sa naturang action-drama series ng GMA Network.

Para sa binata ay talagang kakaiba ang matutunghayan ng mga manonood sa kanya ngayon. “Makulit si Uno eh. Medyo may pagkapilyo si Uno. So medyo mapang-asar siya. Hindi naman natin siguro sasabihin na (love) triangle, pero kung makikitaan tayo ng potential bakit hindi, ‘di ba? Magaling naman si Charlie (Fleming) and si Prince (Carlos), and happy to work with them,” bungad ni Kelvin sa 24 Oras.

Matagal na raw pinapangarap ng aktor na makatrabaho si Dingdong. Lubos ang pasasalamat ni Kelvin dahil napabilang sa programa ng Kapuso Primetime King. “Grateful ako na napabilang ako sa show ni Kuya Dong. Dream ko rin na makatrabaho si Kuya Dong. Sobrang saya ko na kasama ko siya sa show,” paglalahad ng binata.

Matatandaang gumanap si Kelvin bilang si Adamus sa Encantadia Chronicles: Sang’gre na nagtapos noong Mayo. Mabuti na lamang daw at natuto na ang aktor sa paggawa ng maaaksyong eksena mula sa nagwakas na serye na kanya ring ginagawa ngayon sa The Master Cutter. “Naman! Siyempre pumasok tayo sa Master Cutter para sa action. Abangan natin ‘yung kapana-panabik na aksyon na gagawin namin. May mga eksena dito na talagang mabibigla kayo. Nakaka-excite, gusto ko sabihin pero magho-hold back lang muna tayo nang konti. Mae-enjoy ng mga Kapuso natin,” pagbabahagi ng Kapuso actor.

Michael Roy, nagulat sa kantang isinulat ni Heath

Bata pa lamang si Heath Jornales ay napapanood na ang mga proyekto ng amang si Michael Roy Jornales. Para kay Michael Roy ay nakatulong sa anak ang nakagisnan upang mas madali nang sumabak sa show business. “I guess it’s also an advantage. Kasi learning process ang industriya eh. You learn acting, you learn the experiences, you learn the pakisama inside the industry. So at least nate-train din siya early on,” paglalahad sa amin ni Michael Roy sa Fast Talk with Boy Abunda.

Maaga ring nahiligan ni Heath ang martial arts dahil sa pagiging fight director at stunt choreographer ng ama. Anim na taong gulang pa lamang noon si Heath nang magsimulang i-train ni Michael Roy. “Just like his talents, martial arts and everything, he started so young. So no’ng kailangan niya ngayon, na-develop na po siya. Hindi ‘yung ngayon lang siya nag-start mag-training,” giit ng aktor.

Bukod sa pag-arte at martial arts ay may talento rin daw ang anak ni Michael Roy pagdating sa musika. Nagulat umano ang aktor nang mapakinggan ang isang kantang hindi pa pamilyar sa publiko. “Sa bahay kapag spare time, nagja-jam kami. Kasi mahilig talaga kaming kumanta at siya maggitara, ako maggitara rin. So nagja-jam kami, and then one day sabi niya, ‘Dad, listen to this.’ And sabi ko, ‘Wow! That’s great.’ Sabi ko, ‘Anong song ‘yan?’ Sabi niya, ‘I made it.’ Sabi ko, ‘Wow!” nakangiting kwento ng fight director at stunt choreographer.

(Reports from JCC)

KELVIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with