^

Probinsiya

6 patay, 3 missing sa tumaob na bangka

Jojo Perez, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
6 patay, 3 missing sa tumaob na bangka
ng anim na nasawi sa pagtaob ng motorized banca sa lawa ng San Marcelino sa Zambales habang pauwi galing sa barangay health center para magpaba- kuna at dumalo sa meeting ng 4Ps.
Jojo Perez

Galing sa bakunahan at 4Ps meeting

MANILA, Philippines — Anim ang patay habang tatlo pa ang nawawala nang tumaob ang kanilang sinasak­yang bangkang de-motor matapos dumalo sa free vaccination at pulong ng 4Ps, sa bahagi ng Mapanuepe Lake sa Barangay Buhawen, San Marcelino, Zambales, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Zambales Provincial Director Col. Benjamin Ariola, anim katao kabilang ang tatlong bata ang kumpirmadong patay sa insidente habang tatlo pa ang patuloy na pinaghaha­nap na kinabibila­ngan ng isang 5-anyos na bata, 12-anyos na bata, at isang buntis na babae. Ina­alam pa ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Sinabi ni Ariola na apat na sakay ng bangka ang nailigtas sa insidente.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-4:40 ng hapon, lulan ang 13 katao kabilang ang dri­ver sa motorized banca at naglalayag sa nasabing gitna ng lawa nang bigla na lang tumaob ang bangka dahil sa overloaded o sobrang dami ng sakay nito.

Lumalabas na pauwi na ang mga biktima sa Sitio Lumibao matapos manggaling sa Buhawen Proper, kung saan sila ay sumailalim sa pagbabakuna sa isang health center sa Barangay at dumalo sa 4Ps meeting.

BAKUNA

PATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with