^

Police Metro

Namemeke ng dokumento may kalalagyan sa batas - DPWH

Mer Layson - Pang-masa
Namemeke ng dokumento may kalalagyan sa batas - DPWH
Secretary Vince Dizon.
STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Mahigpit na nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) laban sa mga indibidwal na na­memeke at ilegal na ­gamit ang lagda ni DPWH Secretary Vince Dizon na sasampahan ng mga kasong administratibo o kriminal.

Ang babala ay ginawa ng DPWH matapos na makarating sa kanilang kaalaman na may mga tiwaling indibidwal ang namemeke ng mga official documents ng ahensiya, tulad ng memorandum, Special Order, appointment papers, at iba pa pa.

Ginamit ng mga salarin ang huwad na lagda ni Dizon upang mag-alok ng mga pekeng posisyon at kontrata sa proyekto para makapanlinlang.

May mga kaso kung saan may pumunta pa sa DPWH Central Office para mag-oath taking sa pag-aakalang lehitimo ang natanggap nilang appointment paper mula sa isang online ­messaging app.

“Pinapaalalahanan ang publiko na maging mapanuri laban sa hindi awtorisado at ilegal na paggamit ng lagda ng kalihim matapos makara­ting sa aming tanggapan ang mga ulat na may mga indibidwal na umano’y gumagawa ng nasabing modus para makapanloko,” wika ng DPWH.

Hinimok ng DPWH ang publiko na agad na isumbong ang anumang kahina-hinalang transaksyon o pekeng dokumento sa pamamagitan ng mga sumusunod na opisyal na linya: DPWH Hotline: Mag-dial sa numerong 165-02; Email Assistance: Magpadala ng mensahe sa [email protected].

VINCE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with