^

Probinsiya

Magkapatid yakap ang aso, tusta sa sunog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Magkapatid yakap ang aso, tusta sa sunog
Satellite image shows Oriental Mindoro.
Google Maps

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng magkapatid na paslit nang matusta sa sunog sa kanilang bahay sa Barangay Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat, natagpuan ng mga awtoridad ang sunog na katawan ng magkapatid na 7-anyos at 11-anyos habang ka­yakap nila ang kanilang alagang aso sa loob ng kanilang kuwarto.

Sa insidente, nagtamo naman ng sugat sa katawan ang kanilang lolo na nakaligtas sa trahedya makaraang tumalon mula sa bintana ng kanilang bahay.

Nabatid na ang magkapatid na paslit ay nasa pangangalaga ng kanilang tiyahin at tiyuhin. Wala ang mag-asawa at apat nitong anak nang maganap ang sunog.

Sinasabing umalis ang pamilya ilang oras bago maganap ang sunog.

Ang nanay naman ng dalawang batang nasawi ay nagtatrabaho sa abroad at ang kanilang ama na isang lineman ay namayapa na, may dalawang taon ang naki­lilipas nang makur­yente umano sa electric coope­rative.

Ayon kay PStaff Sgt. Fernan Macuha ng Naujan Police, posibleng ang extension wire na pinagsaksakan ng isang clip fan ang maaaring pinagmulan ng sunog. (

ORIENTAL MINDORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with