Mag-utol na paslit, alagang aso tepok sa sunog
MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang magkapatid na batang may edad 7 at 11 nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Barcenaga, Naujan, Oriental Mindoro nitong Huwebes ng gabi.
Natagpuan ng mga otoridad sa isinagawang mopping operation na yakap pa ng magkapatid ang kanilang aso sa kanilang kuwarto.
Nasugatan naman ang kanilang lolo na nakaligtas matapos makatalon sa bintana.
Nabatid na nagtatrabaho sa ibang bansa ang nanay ng magkapatid habang ang kanilang ama ay pumanaw na halos 2 taon na ang nakalipas matapos makuryente bilang lineman sa electric cooperative.
Nasa pangangalaga ng kanilang tiyahin at tiyuhin ang dalawang bata at wala sa bahay ang mga ito at kanilang apat na anak nang mangyari ang sunog na umalis umano sa bahay ilang oras bago ang insidente.
Ayon kay PSSgt. Fernan Macuha, imbestigador ng Naujan police, isa sa tinitingnan posibleng pinagmulan ng sunog ay ang extension wire kung saan nakasaksak ang isang clip fan.Iniimbestigahan pa kung may foul play sa insidente.
- Latest

















