Estudyante, nakaimbento ng drone para sa disaster response
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Pinag-uusapan ngayon sa social media ang isang mag-aaral sa lalawigang ito matapos matagumpay na makaimbento ng isang low-cost aerial system na magbibigay nang malaking tulong sa mga rescuer personnel sa panahon ng kalamidad o sakuna.
Kinilala ang batang scientist na si Vrienn Ezrah Karl Viernes, student-researcher ng Nueva Vizcaya General Comprehensive High School (NVGCHS) na nakabase sa bayan ng Bayombong sa lalawigang ito.
Ang imbensiyon ni Viernes ay tinawag itong “RAVEN” na ang kahulugan ay Robot for Aerial Vigilance in Emergency Navigation. May kakayahan ang prototype na si RAVEN na maka-detect ng heat signatures, body temperature ng isang tao, at mag-monitor ng environmental conditions. Kaya rin nito na kumilala sa mga posibleng pagtawag ng tulong, kumilala ng GPS coordinates, magbigay ng real-time data transmission, at magpadala ng SMS alerts kahit walang internet connection.Malaking tulong ito sa mga sakuna.
- Latest
























