Chua todo na paghahanda para sa Bangkok Open
MANILA, Philippines — Puspusan ang paghahanda ni Pinoy cue artist Johann Chua dahil nakatakda nitong salihan ang Bangkok Open 9-Ball Championship na magsisimula sa Nobyembre 17 hanggang 21 sa S1 Pool Hall & Sports Bar, Sukhumvit 15, Bangkok, Thailand.
Ang ibang Filipino bets na makakasama ng 34-anyos na si Chua ay sina James Aranas, Arman ‘Agila’ Cagol, Rommel Santos, Dhahcir Mauricio, Patrick Gonzales at Harry Vergara.
“Inaasahan naming magiging maganda ang aming pagganap sa paligsahang ito,” pahayag ni Chua, na pambato ng taga Lungsod ng General Trias, Cavite.
May mga sasalihan itong mga billiards tournament bilang paghahanda na rin sa nasabing malaking laban kaya asahang magiging abala ito sa mga susunod na buwan.
Pinarangalan sa Philippine Sportswriters Association Annual Awards Night dahil sa mga inuwing karangalan sa bansa noong 2024 si Chua, nagkampeon ito sa Reyes Cup, Hanoi Open Pool Championship at sa Shanghai Zen and Yuan Open Nine-ball.
Kasalukuyang naka-upo si Chua sa sixth place sa WNT Rankings.
Naniniwala naman si Aranas sa kakayahan nila kaya malaki ang tsansa nilang mai-uwi ang korona.
- Latest
















