Dagdag pondo sa Emergency Repatriation Fund, tiniyak ng Palasyo
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malakanyang na madaragdagan sa susunod na taon ang emergency repatriation fund para sa mga distressed overseas Filipino workers.
Sa congressional budget hearing, nagpahayag ng pangamba si OWWA Administrator Py Caunan dahil bumaba na sa mahigit P900 milyon ang pondo mula sa dating ap1.2 bilyon sa loob ng tatlong taon. Ipinaliwanag niyang nasimot ang budget bago pa man sumiklab ang krisis sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, P3 bilyon ang idadagdag sa Department of Migrant Workers AKSYON Fund, habang P1 bilyon naman ang ilalaan sa OWWA budget — kabilang ang P700 milyon para sa emergency repatriation.
Giit ni Castro, patuloy ang pagtutok ng Pangulo upang mas maraming OFW ang matulungan sa mga sitwasyong gaya ng naranasan sa Middle East crisis.
- Latest




















