^

Bansa

Meta nangakong magbabahagi ng user data sa ‘imminent threat’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakuha ni Senator Risa Hontiveros ang kasiguruhan mula sa Meta na tutugon ito sa mga kahilingan ng Philippine law enforcement authorities para sa user data, lalo na kapag may indikasyon ng napipintong banta ng karahasan.

Noong Huwebes, nagpadala si Hontiveros ng mga kinatawan upang sumama sa delegasyon ng Pilipinas na binubuo ng mga pangunahing opisyal ng gobyerno sa isang roundtable meeting kasama ang mga policy officer ng Meta Asia-Pacific sa headquarters nito sa Singapore.

Tinalakay sa pulong ang responsibilidad ng mga platform ng Meta—partikular ang Facebook—kaugnay ng paglaganap ng nihilistic violent extremism. Nang papalapit na sa pagtatapos ang pulong nang wala pang napagkakasunduan, iginiit ng mga kinatawan ni Hontiveros na mangako ang Meta na magbahagi ng subscriber information at traffic data sa mga awtoridad ng Pilipinas kapag may indikasyon ng napipintong pag-atake. Sumang-ayon dito ang social media giant.

“Ngayong mga matataas na opisyal mismo ng Meta na ang nangakong mas magiging maagap sa mga posibleng banta ng karahasan, at  dapat maging mas mabilis ang aksyon laban dito,” ani Hontiveros.

Idinagdag pa niya na mahalaga ang kasunduan lalo’t isinusulong ngayon ang Child Online Safety and Protection Act, isang priority measure ng gobyerno. Aniya, handa ang Meta na higpitan ang safeguards nito dahil inabisuhan na sila na malapit nang ipasa ang naturang batas.

Ang panukalang batas ay naglalayong palawakin ang mga safeguard sa ilalim ng Republic Act No. 11930 o ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act na siya ring iniakda ni Hontiveros.

“Mahigpit ang bilin ko sa aking staff na hinarap ang Meta: Kailangang linawin sa kanila na hindi pwedeng pinagkakakitaan nila ang mga Pilipino sa Facebook nang walang pananagutan sa laman nito. We will hold them to their word,” giit ng senadora.

RISA HONTIVEROS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with