^

PSN Palaro

Te Rangi itinakas New Zealand sa OT

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Te Rangi itinakas New Zealand sa OT
Nagdunk ang New Zealand player laban sa Iran sa FIBA World Cup Qualifiers.
Russell Palma

MANILA, Philippines —  Sinandalan ng New Zealand si Rueben Te Rangi sa huling tatlong minuto sa extra period upang payukuin ang Iran, 93-91 sa FIBA World Cup qualifiers na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.

Kinumpleto ni Te Rangi ang three-point play at saka sumalpak ng clutch three-pointer upang hawakan ng Tall Blacks ang four-point lead, 90-86 at sikwatin ang mahirap na panalo.

May tsansa sana ang Iran na makahirit ng panga­lawang overtime game pero dalawang sablay sila sa kanilang panablang puntos, kaya naitakas ng Tall Blacks ang panalo sa simula ng qualifiers sa se­cond round.

Pang-limang sunod na panalo na ito ng New Zealand simula ng umpisahan nila ang kanilang kampan­ya sa 0-2, kaya tabla sila ng Iran sa second place sa Group E tangan ang tig-5-2 baraha.

Nakapagtala si Te Rangi ng 13 points mula sa 2-of-4 shooting sa labas, may sahog pang apat na rebounds.

Naisalpak ni Te Rangi ang three-point play sa 2:44 kaya naman nakuha nila ang unahan, 87-84.

Tumikada muli ang 31- anyos guard na si Te Rangi ng three-pointer wala ng isang minuto sa laro para maisalba ang New Zealand sa panalo.

Pinamunuan ni Shea Lli ang opensa para sa Tall Blacks sa nirehistrong 24 markers, anim na assists habang bumira naman si forward Sam Mennenga ng double-double na 15 points at 13 rebounds.

Samantalang kasalukuyang naglalaban ang Gilas Pilipinas at Jordan habang sinusulat ito.

NEW ZEALAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with