Bangkay sa ilalim ng tulay
MANILA, Philippines — Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa isang imburnal sa ilalim ng tulay na nakakonekta sa sapa sa pagitan ng Brgy. Bayanan at Alabang sa Muntinlupa nitong Huwebes.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima, na nadiskubreng nakabara sa drainage, dakong alas-9:00 ng umaga.
Batay sa ulat, habang nangingisda ang isang lalaki nang mamataan niya ang bangkay sa may butas ng ilalim ng drainage kaya agad na ipinabatid sa mga tauhan ng Barangay Bayanan.
Rumesponde naman ang Barangay Putatan Police Sub-station at ang Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Office. Kinailangan pang i-drill o butasan ang bangketa upang maayos na makuha ang mga labi.
- Latest


















