^

Pang Movies

Angkan ng mga Sotto, laging may reunion

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa

Dalawa na sa mga anak ng dating Senate president, actor-comedian, host at dating record producer na si Sen. Tito Sotto ang sumunod sa kanyang mga yapak sa larangan ng public service, ang kanyang second daughter na si Lala Sotto-Antonio at only son na si Gian Sotto.

Si Lala ay nanilbihang councilor ng dalawang magkahiwalay na distrito ng Quezon City sa loob ng 18 taon bago siya hinirang na Chairperson-CEO ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng administrasyong Ferdinand Marcos, Jr.

Aminado si Lala na nasa college pa lamang siya ay gustung-gusto na umano niyang pasukin ang public service at hindi showbiz na parehong pinagmulan ng kanyang celebrity parents.

Although nag-try ring mag-showbiz noon ang kanyang only brother na si Gian ay sumunod din ito sa mga yapak ng kanilang ama.

Bilang MTRCB chairperson, maraming challenges ang kinakaharap ng ahensyang kanyang pinamumunuan laluna ang social media, digital and streaming platforms na hindi na nila saklaw.

When her term ends, babalikan pa rin ni Lala ang public service na sobra umanong napamahal sa kanya.

Bukod sa kanyang parents na sina Tito Sen at Helen Gamboa at sa mga kapatid na sina Gian at Ciara Sotto, pinsang buo nilang magkakapatid ang Megastar na si Sharon Cuneta habang pamangkin naman nila ang mga anak ni Sharon na sina KC, Frankie, Miel at Miguel. First cousin din nila sina Pasig Mayor Vico Sotto, Danica, Oyo, Pauline, Tali at Mochi na mga anak ng kanilang uncle Vic Sotto.

Ang eldest daughter ng mag-asawang Tito Sen at Helen na si Apples (Romina) ay hindi rin sumunod sa kanilang parents sa showbiz habang ang bunsong si Ciara Sotto ay nag-full-time sa singing, acting and dancing na pareho niyang minana sa kanilang mga magulang.

Kahit palaki nang palaki ang Sotto Family, they make it a point na mag-get together on special occasions regularly para lahat ay magkakakilala at close sa isa’t isa.

TITO SOTTO III

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with