Marcos ginawaran ng Honorary Doctor of Laws
MANILA, Philippines — Ginawaran si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Doctor of Laws, Honoris Causa, ang pinakamataas na honorary degree na ibinibigay ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Personal na tinanggap ni Marcos ang parangal sa ginanap na 58th Commencement Exercises ng PLM sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center sa Pasay City nitong Huwebes, Agosto 27.
Sinabi ni Marcos sa kanyang talumpati, sinabi ni Marcos na “humbled” sa pagtanggap ng pinakamataas na honorary degree ng PLM.
“Today, I stand before you, humbled as the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila confers upon me the degree of Doctor of Laws, Honoris Causa — its highest honorary degree,” ani Marcos.
Ayon pa sa Pangulo, mahalaga ang edukasyon na daan sa mas maraming oportunidad at pag-unlad.
May espesyal na lugar din aniya ang PLM sa kanyang pamilya dahil minsang nagturo sa College of Law ng unibersidad si First Lady Liza Araneta-Marcos.
Dumalo rin sa okasyon sina Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano at iba pang opisyal ng pamahalaan.
Ayon sa PLM, kinilala sa honorary degree ang mga pagsisikap ng administrasyon ni Marcos na isulong ang economic development, pagpapalawak sa access sa edukasyon, pagpapalakas ng public health services at pagtataguyod ng social equity.
- Latest





















