^

Pang Movies

Laging naglalasing, aktor last minute mag-back out sa mga TV guesting

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pansamantalang hindi tinatanggap bilang guest sa isang programa ang male celebrity matapos siyang hindi dumating sa naka-schedule na taping.

Ayon sa talent coordinator, ilang beses nilang kinumpirma ang guesting at laging nagku-confirm ang aktor. Ngunit sa araw ng taping ay hindi ito nagpakita at hindi man lang tumawag or nagpadala ng text message.

Napilitan ang production na maghanap agad ng kapalit.

Ang handler na raw ng celebrity ang humingi ng paumanhin sa buong staff matapos nitong malaman ang nangyari.

Kung nalaman lang daw ng handler, gagawan niya ng paraan na makadalo ang alaga niya kahit may pinagdaraanan.

Ibinunyag din na may mga personal na problema si male celeb at kaya’t panay ang inom niya. Hinala ng handler ay babae ang dahilan ng paglalasing ng alaga niya.

Nakagugulat daw ito dahil mukhang maayos at propesyonal pa rin siya kapag nasa studio.

Ayon sa handler, marami nang programa ang tumatanggi na magpa-guest sa kanya dahil madalas daw siyang mag-back out at the last minute.

Golden, nakaka-adjust na

Unti-unting nakapag-adjust at bumabalik ang confidence ni The Clash season 1 grand champion Golden Cañedo sa pagpe-perform, lalo na ngayon na parte na siya ng GMA Afternoon Prime musical-drama series na Born to Shine.

“Six years po ako talagang nawala, and then nung first na pagpunta ko rito, sobrang kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang mangyayari,” say ni Golden.

Pagkatapos makuha ni Golden ang kanyang diploma sa kursong Bachelor of Science in Nursing, kukuha rin siya ng licensure exam sa susunod na taon.

GOLDEN CAñEDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with