Gusto na lang maging good person... ex ni John Lloyd, nagpasalamat kay Federer!

Kabilang sa nakapanood sa paglaro ulit sa US Open ng legendary tennis player na si Roger Federer ay ang ex ni John Lloyd Cruz na si Isabel Santos.
Ayon sa kanyang post: “Just want to be happy, play tennis, love dogs and be a good person.
“And do art (na may kasamang dog emoji).
“Tickets went on sale on 11 June - saw it as a sign. Kahit ilang beses, I dont know you personally, but @rogerfederer thank you for being an inspiration to millions of us,” buong caption ni Isabel kalakip ang videos and photos niya sa New York.
Prior to this ay binati niya ng Happy birthday si Federer habang nagti-tennis na ang caption ay “Cosplaying as a pro tennis player // also happy birthday to @rogerfederer.”
Walang confirmation na nanggagaling sa kanila, pero almost two months na nang mapansin na hindi na pina-follow ni Isabel sa social media ang inactive actor.
Sinabi na rin ng ilang malalapit sa kanila na hindi raw nagkabalikan ang dalawa.
Bago ang sinasabing breakup nila ay naka-bonding nila ni John Lloyd ang ex nitong si Ellen Adarna.
- Latest





















