^

Police Metro

P12.34 bilyong halaga ng illegal drugs, winasak ng PDEA

Doris Franche-Borja - Pang-masa
P12.34 bilyong halaga ng illegal drugs, winasak ng PDEA
Ipinapasok ng mga tauhan ng PDEA sa thermal decomposition ang nasa mahigit 2.2 metriko toneladang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P12.34 bilyon para wasakin.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Nasa mahigit 2.2 metriko toneladang iligal na droga na tinata­yang nagkakahalaga ng P12.34 bilyon ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pamamagitan ng thermal decomposition sa Trece Martires City, Cavite ­nitong Agosto 27.

Ayon sa PDEA, umabot sa 2,224,679.9705 gramo ng solid dangerous drugs at 106,386.0500 mililitro ng liquid drugs ang isinailalim sa disposal sa Integrated Waste ­Management Inc. sa Barangay Aguado.

Ito na ang pinakamalaking volume ng dangerous drugs na winasak ng ahensya ngayong taon.

Pinakamalaki sa winasak ang 1,774,023.9425 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng tinatayang P12.06 bilyon. Kabilang dito ang 876,000 gramo ng shabu na nasabat sa MIMAROPA at 906,406.40 gramo na nakumpiska sa Valenzuela City.

Sinira rin ang 433,336.9546 gramo ng marijuana, 2,208.7373 gramo ng cocaine, gayundin ang iba’t ibang uri ng dangerous drugs tulad ng MDMA, ketamine, nitra­zepam at psilocybin. Kasama rin sa disposal ang liquid marijuana, liquid methamphetamine hydrochloride at 15,000 gramo ng mga expired na gamot.

Ang aktibidad ay isinagawa matapos makumpleto ang kinakaila­ngang legal na proseso para sa disposal ng mga nakumpiskang droga.

PDEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with