^

Probinsiya

15-anyos sinisid cellphone kapalit ng P1K, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
15-anyos sinisid cellphone kapalit ng P1K, patay!
Sa report ng San Remegio Police, dakong alas-9 ng gabi lulan ng bangka si Mark at ilan nitong kaibigang kabataang mangingisda galing sa San Remegio Fish Port nang lapitan ng isang 23-anyos na apprentice na pasahero ng barko  matapos na malaglag sa dagat ang kaniyang cellphone sa bahagi ng Hagnaya Pier sa nasabing lugar kama­kaialn
File

MANILA, Philippines — Naging mitsa ng buhay ng isang 15 anyos na batang lalaki ang pagsisid nito sa isang cellphone na nahulog sa dagat kapalit ng P1,000 na ibabayad sana rito kapag nakuha ang naturang electronic device sa Brgy. Hagnaya, San Remegio, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima sa pangalang Mark, residente sa lugar na anak ng isang mangingisda.

Sa report ng San Remegio Police, dakong alas-9 ng gabi lulan ng bangka si Mark at ilan nitong kaibigang kabataang mangingisda galing sa San Remegio Fish Port nang lapitan ng isang 23-anyos na apprentice na pasahero ng barko  matapos na malaglag sa dagat ang kaniyang cellphone sa bahagi ng Hagnaya Pier sa nasabing lugar kama­kaialn

Inalok umano ng naturang apprentice ang mga kabataan na sisirin ang kaniyang cellphone at handa siyang magbayad ng P1,000 kung maibalik ito sa kaniya.

Nag-unahan naman sa pagsisid ang nasabing mga kabataan nang bigla umanong mawala sa kanilang paningin si Mark.

Nang mabatid ang insidente, agad na nagsagawa ng search ope­ration ang Philippine Coast Guard (PCG), pero bigong matagpuan ang binatilyo.

Kinabukasan, dakong alas-7:46 ng uma­ga nitong Agosto 24 ay natagpuan ang bangkay ng biktima na sumabit sa rampa (ramp) sa Hagnaya Port.

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with