2 suspek sa masaker ng 2 senior at apo, timbog!

CAVITE, Philippines — Arestado ng pulisya ang dalawa sa tatlong suspek sa masaker sa mag-asawang senior citizen at 4-anyos na apo sa Brgy Daine 1, Indang, dito sa lalawigan.
Sa isinagawang hot pursuit operation ng mga operatiba ng Indang Police Station, dalawa ang nasakote ng pulisya na sinasabing responsable sa karumal-dumal na krimen habang isa pa nilang kasama ang pinaghahanap.
Kapwa sinampahan na ng kasong mutiple murder ang mga nadakip na suspek na sina alyas Alexis, 25-anyos, at alyas Kulot, 36-anyos.
Sinabi ni Col. Ariel Red, Cavite police director Red na ang isa sa mga salarin ay agad na nadakip sa kanyang pinagtataguan noong araw ng
krimen makaraang positibong kinilala ng saksi na isa sa mga umatake sa mag-asawa at apo.
Ang suspek na si alyas “Alexis,” magsasaka, ay nadakip sa follow-up operation sa Trece Martires City, Cavite, kahapon.
Ani Red na tinitingnan ng mga probers ang isang lumang alitan at mainit na pagtatalo sa pagitan ng mga suspek at mga biktima na umano’y tungkol sa isyu ng ingay sa Karaoke noong okasyon ng kaarawan bilang motibo sa pagpatay.
Dagdag ni Red, si alyas “Alexis” ay may nakabinbing criminal offense para sa carnapping sa Naic, Cavite at nakalaya noong Marso 2, 2017.
Noong Martes ng gabi, pinagbabaril ang isang mag-asawa na 63 at 62-anyos, at kanilang apo ng mga armadong lalaki ang kanilang maliit na tahanan sa Sitio Buho, Barangay Daine 1, Indang, Cavite.
Ang mga biktima ay isinugod sa ospital ngunit idineklara silang dead-on arrival. Pitong bala ang bumaon sa lolo, apat naman sa lola, habang dalawang bala ang tumama sa apo kabilang ang tama sa bandang ulo.
- Latest

















